Thursday, September 30, 2004

hindi ko alam kung bakit ganun...

ano ba talaga ang nangyayari sa akin??

hindi maganda ang gising ko. hawa-hawa na kami ng sakit sa bahay. ang kapatid ko ang pasimuno nito. lahat tuloy kami sa bahay ay sinisipon na!!!*sniff,sniff*

nag exam kami sa html kanina. okay naman,madali ko namang nagawa ang lahat...i-we-welcome ko na ang javascripting by monday.

sa c prog, walang nangyari. walang teacher. nagkaroon lang ng seat work. ngayun ay naa-appreciate ko na ang c prog sa kabila ng ka-eggbites-san nito. *hats off prince a!!!*

may malungkot...

c ice...

baliw na ata ako...

c ice...

namimiss ko sya....


Wednesday, September 22, 2004

ang ice ng party

Acquaintance party namin kahapon.




hindi ko talaga gustong umatend dito dahil wala naman akong masyadong kakilala. *slaps forehead: kaya nga acquaintance party, eh!* ayoko rin pumunta kasi ang mahal. 300. 300?! sa isang ktv na tinawag na tio dante's na mainit at hindi naman bottomless ang inumin na ang presyo ay maikukumpara mo sa isang eat all you can pero hindi sya eat all you can.

ayun na nga. pumunta pa rin ako dahil sapilitan ang pagbabayad. oo ang pagbabayad. hindi ang pag-atend.

sa aking pinapasukang paaralan, kakaunti lang ang papulasyon ng kababaihan. mabibilang lang yun sa iyong mga daliri. kabilang ako sa kanila. doon sa school, tila na piit ako sa mundo na hindi ko dating ginagalawan. *yikes, bawal nga pala drama d2* ang mga tao ay higit na matanda na kesa sa akin. iba ang trip nila. mahilig manigarilyo, mahilig sa green, mahilig sa mura....yung mga ganung tipo. wala pa akong mga kaibigang ganun dati. kung meron man, hindi naman ganoong mahilig sa green, sa yosi at sa sobrang curses. na wi-wirdohan na ako sa mga tau-tao dun. kasi, parang hindi ko sila ma-reach. *baka ako ang hindi nila ma-reach, hindi kaya?*
o basta un.

balik tayo sa party.

pumunta na nga ako, kasabay ng isang kaklase. marami nang tao sa aming pagdating. nagsimula na. naglaro muna ng suck and blow. kasali ako. familiar ako dun sa laro kaya lang hindi ko alam yung technique sa pag suck and blow. NATALO ako agad. *haaay!* palibhasa mga kalaban ko mahilig sa yosi!

tas, singing contest na. sadyang out of tune ang mga kalahok maliban lang dun sa dalawang nag-tie. nanalo ang kaklase ko, yung bisaya. proud ako kasi kahit pinagtri-tripan sya sa kanyang pagkanta, nakakanta naman sya ng maayos.

kainan na.

naglaro pa ng isa. nakalimutan ko yung tawag sa laro pero eto: yung parang palulusutin mo yung ice cube sa damit ng lalaki tas ilalabas mo? yun yung laro. kasali ako ulit. at ang ka-partner ko, isang payat na lalaki na kamuka daw ni wa chi lei na naka-black na long hair. itago natin sya sa pangalang ice. si ice yung partner ko. dati ko na syang nakikita sa school pero never pa akong lumapit sa kanya. mabait daw yun ayon sa kanyang mga kaibigan. ewan ko lang.

nagsimula na ang laro. pinadaan ko ang yelo sa loob ng kanyang damit sa pamamagitan ng mga nanginginig-nginig at nanlalamig kong mga kamay. nalalaglag ang yelo kaya paulit-ulit kong ginawa ang proseso. nahihiya talaga ko kasi kaming dalwa lang ang hindi magkakilala. ewan ko kung magkasing-tangkad kami o malaki pa ko ng 1 inch sa kanya.

at eto. napansin kong may anggulo pala syang kaakit-akit. **oops, am i sensing some abnormalities here?** ano ba?! hindi naman ako na seduce. hindi sya gwapo. hindi talaga. una ko pa lang kita at nabanggit sa kin na muka daw syang lei, sabi ko hindi. pero muka syang tao. ngunit kahapon, iba. as in. dunno if it's something about his sex appeal. gosh!!! ano na ba nangyayari sa kin?

hindi ko sya classmate. isa syang soph at malapit nang gumraduate. but there must be something that drew him to me. or me to him. *sigh.* and i don't think i would want to find out.

basta, isang bagay: i think i like him.

teka. hindi ito love at first sight na head over heels. hindi ako ganun. basta *gusto* ko sya.

nga pala: si ice yung ka-tie ng classmate ko na bisaya sa singing...kinanta nya ay billy jean...nothing to be proud of pero kwela yung rendition nya....

Thursday, September 16, 2004

dahil wednesday kahapon....

dahil sa myerkules kahapon:

dinalaw ako ni deivid at ni beth dito sa informatics. subject namin nun ay web publishing. binigay ko kay deivid ang contest speech na ginawa ko para sa kanya. natuwa sya, okay naman daw. kalagitnaan ng class ko cla dumating. napagalitan tuloy ako kasi labas daw ako ng labas. ukol naman sa subject, masaya pala matuto ng html. mapapaganda ko na rin ang mga blogs ko! sa kabila ng lahat, wish ko pa rin na ibalik na nila deiv and beth yung libro ko na alchemist! mahal yun at hindi ko pa yun nababasa!

nainis ako kahapon sa bago naming teacher sa c programming. ^sana lang ay hindi sya mapadpad sa blog ko, noh!^ para kasing hindi nya alam yung tinuturo nya! nakakaasar! hindi tuloy ako ginaganahan sa kanya. ewan ko ba kung bat sya ganun! sana lamang ay magbago ang takbo ng mga pangyayari dahil kung hindi, ayyyyy!! ewan ko na lang!

asteeg ang amazing race kagabi! dito pa sa philippines naganap! sayang walang abiso! sinalubong ko sana cla! naiinis lang ako kasi hindi natanggal sina colin and christy!grrr! isa pa! GRRRRRRRR! RRRR!

Tuesday, September 14, 2004

5 maiikling kwento sa loob ng 5 araw

wednesday:
natapos na ang unang term ko sa informatics. meron lang bumagabag sa kin. pinalilipat na ko ng school. sa san beda alabang. nakakabigla kasi hindi ko pa alam kung saang course dapat ako mapadpad. eto ang pagpipilian: pol sci or accounting. mejo inclined n ko sa accounting ngaun kasi may nare-receive na me encouragement mula sa mga kakilala kahit ako ang pinaka bano sa math. matagal kong pinag-isipan. mabuti na lang at hindi natuloy ang enrollment ko sa san beda. hindi pa kasi ako handa. next year na lang.

saturday
nagpunta ko sa m-tech upang magpa-check up. marami na kasi akong nararamdaman dito sa aking katawan. finding/s: meron akong UTI. sana hindi lumala. sana umepekto ang ginagawa kong water therapy.

sunday
maganda ang sermon sa church. tungkol sa mga STRONG Answers. tumatalakay sa conviction, paninindigan, faith, at marami pang iba. bottom line, Please GOD not men.

monday
enrolled n ko! sa informatics! magaling yung bago naming english teacher. i think i'm going to like her.
tumawag sa kin si deivid para magpatulong sa speech nya about the alchemist. pumayag ako dahil kelangan kong mabawi ang libro na balak nyang arborin. hindi ako papayag kahit halikan nya ang paa ko, noh! pero pumayag ako gumawa kahit matrabaho. mabuti na lang at hindi ako masyadong pagod.

tuesday
isang subject lang. marami bagong mukha. may mga mayabang. may mga b*stos. may mga parang ewan. yet i'm doin fine. that's an accomplishment.

Tuesday, September 07, 2004

masaya ba o ano??

so, tapos na ang finals...at ang finals ay may re-test....

kung...

bagsak ka...
ang pasing ay 50.
54 ang score ko....

masama ba??
pwede na??

hellurrr?

mababa ang score ko!

so magre-retest na ako, maya-maya.
sana pumasa na ko. sana mataasan ko pa yung score ko kahapon.

sana, sana!!!

Thursday, September 02, 2004

Of Olympic Miscellany, Medals and Modesty

“Far and away the best prize that life offers is the chance to work hard at work worth doing.”

--Theodore Roosevelt

The Athens Debacle over now.
No more games to watch, no more medals to covet, no more crappy judges and no more drop-dead gorgeous athletes. (to be more specific, swimmers)

I, being a typical sports fan, would be lying if I say I didn’t enjoy the Olympics. I usually go for the underdog (unless the crowd favorite looks, well, gorgeous!)

Back to the olympiad.
There’s plenty of time to cherish the Athens games, considering that it was really phenomenal. Exciting and Frustrating (if not for the others, then for me and my countrymen) but either way, fulfilling.

Exciting Parts:
· Michael Phelps’ glorious feats. Glorious, yes, but he wasn’t able to break Mark Spitz’s record.
· The Race of the Century: Thorpe-Hoogenband-Phelps water duel.
· All the matches of Pinoy athletes. (please make room for my patriotism here. I hope you understand.)
· The opening ceremonies
· The closing ceremonies
· Games, games, games!

Suckers:
· I wasn’t able to watch water polo and synchronized swimming.
· I haven’t caught the Race of the Century. (I was in school, listening to some boring math lectures!)
· The Olympics lasted only 2 weeks
· The 4 more years of waiting for the next
· The annoying, subjective, and good-for-nothing judges.

On the Annoying Judges:
A medal slipped from our hands because the judges favored the richer country, which is actually the host country. (taekwondo match: Greece vs. Philippines)

A research took me to similar cases that happened in the Athens games. And this question is raised: Who is judging the judges??

I’m not only taking the side of my country here but also the other nation’s athletes who endured tough preparation and scorching pressure. (Take note of the Korean gymnast who should have won a gold but got only a Bronze if not for the judge who gave him a 9.99 instead of 10! Bronze for Gold?! Talk about major frustration! (to the judges: here’s a round house kick for you!)

But then again,
Winning Isn’t everything.
Though this may sound as the whipped dog’s philosophy, Winning (big) should never be the goal. Remember that the spirit of those colorful rings is not about winning but taking part.

The story of the Lone Oman:
Mr. Abdullah Someone I forgot his last name) was the only athlete sent by his country to take part in the Athens games. He was alone, as in alone, and read this: he doesn’t even have a coach!

According to him, he was a self-taught runner. His determination to compete surged when a soldier in a race beat him. From there he trained himself, coached himself, etc.

For him, joining the Olympics is every athlete’s dream. And that, for him is enough.

Remarks:
Winners: Very Good!
Empty-handed: Fine, also. There are no losers here. But be sure you’ll do your best the next time.

Come, Beijing Olympics!!!

Wednesday, September 01, 2004

rainin' hard and nothin' to do

Wala pang nangyayaring maganda ngayung araw na to.

maulan. nabasa ako kahit may payong. malungkot.

kahapon, nabasa rin ako dahil wala akong payong. mabuti na lang anjan ang aking classmate na si leny. hinatid nya ako dun sa sakayan ng trike.

last night, i felt hot. then i felt cold. fever, in other words. fortunately, i was able to sleep early. so the said fever didn't push through. *hoo....thank GOD*

amazing race mamaya. i wonder who's going to be eliminated from that race. right now, im crossing my fingers so brandon and nicole would be spared by the phileminator.


so what about me??

nothing new, that is...

PS. i missed the athens debacle, now that its all over. *so sad...*