Monday, October 04, 2004

iSa...ring,ring at isipan

"Love would fade like summer into fall..
All that I could see, a mystery,
It made no sense at all."


--Will of The Wind


sa palagay ko ay naging makabuluhan naman ang weekend ko. marami akong mga taong nakausap at nakabalitaan. halos lahat sila ay naghahanda sa finals at looking forward sa nalalapit na sem break...
ilan sa mga nakausap ko ay sina deivid,beth,monch,sarah e,justine,japet at may iSa pa. lahat naman sila ay masasaya sa kani-kanilang mga buhay buhay. natuwa naman ako kasi kahit papano, ako ang naisip nilang tawagan.
balik tayo dun sa isa. may kuneksyon kasi yung quote sa na nilagay ko sa unahan.

PAGPAPAKILALA...

Isa syang special friend...o kung special man ang tawag dun. basta special. as in mahalaga. natatangi. yun. naisipan nya akong tawagan matapos ang mahabang panahon. naging super close kaming dalawa hanggang sa na-develop na kami...*yuk,yuk, ako lang pala ang na-develop*

ewan ko ba.

kasi masyado syang private na tao. mejo pareho kami. makulit, masaya yun lang ang katangian nya. hindi rin sya gaanong gwapo, pero taong-tao. basta, tuwa ako sa kanya. at yun nga. hindi ko malaman kung mahalaga din ako o kaya may katiting na care sya para sa isang tulad ko. usually sa phone kami nag-uusap. madalas. hanggang sa hindi na sya tumatawag sa kakaibang kadahilanan.

tumawag nga sya nung sabado. masasabi kong na-miss ko nga talaga sya. matagal kaming nag-usap, marami syang kwento sa bago nyang buhay ngayon habang ako ay mataimtim na nakikinig sa kanyang mga kwento.*sigh*

nagbanggit sya ng ilang mga bagong kaibigan...mga girls...na malamang ay gusto nya. malamang kasi hindi ako makasiguro kung gusto nga nya. kasi nga, masyado syang private na tao. predictable on the outside pero may pagka-misteryoso sa mga bagay na maseselan. yun sya.

we said our goodbyes and then we hung up. ganung kasimple.

nag-isip-isip ako pagkatapos.

naalala ko yung noon na close nga kami. pero parang may kulang. masyado ba akong nag-expect? siguro. pero kasi napaka-ordinary ng treatment nya sa akin. naa-apreciate ko na ako yung kinukwentuhan nya ng mga bagay. yung tipong kaming dalawa lang yung may alam. pero pag ibang bagay na, tila nagbabago sya. magulo diba?

kasi minsan, intimate sya. bakit nya kinukuwento sa akin ang mga ganun? ha? hindi ko naman yun hiniling sa kanya. na maging open sya. pero pag ibang tao, ibang kaibigan, ibang girls...iba sya. hanggang friends lang siguro talaga. period.

naaalala ko lang, yung mga instances na magkasama kami. nagpapakita sya ng motibo. ayoko kasi nun na nag co-conclude agad pag walang concrete manifestations. pero kung ikaw ang observer, maiintindihan mo na kahit papano, meron.

o baka, ako lang yun.

maraming beses na nga akong na hurt kasi ganun yung situation. yung close kami pero pag anjan na yung ibang tao, balewala na naman ang lahat. masakit...huhuhu....masakit eh. masakit yung binabalewala lalo na kung malalim na yung pagtingin mo sa isang tao. kung mahalaga na sya sayo.

maraming beses nang ganito. at binalikan nila akong muli. palagi ko naman syang napapatawad. it's hard to stay mad at him. tapos, ganun na naman.

at sa kanyang mga kwento nung sabado, parang old friend na lang ang feeling ko. gusto ko ngang itanong sa kanya, kahit ba minsan hindi mo ako pinahalagahan??

hindi ako iiyak.

ganun nga siguro pag nagmamahal ka in silence. kahit gaano kasakit ang mga bagay, sasaluhin at yayakapin mo lang ang lahat. magtitiis at makakaya mo. ganun nga siguro.

"Love would fade like summer into fall"
kung noon naging mahalaga ako sa kanya, nagpapasalamat ako.

sana makita ko balang araw na naging importante din ako sa buhay nya dahil sya. hanggang ngayon...


mahalaga.


2 Comments:

Blogger lanseta said...

ganun nga siguro pag nagmamahal ka in silence. kahit gaano kasakit ang mga bagay, sasaluhin at yayakapin mo lang ang lahat. magtitiis at makakaya mo. ganun nga siguro. --tama. Masarap magmahal in silence. Ewan ko kung nafeel ko na iyan. Hindi ko sigurado sa tuwing inaassess ko ang mga pangyayari dati. Malamang akala ko lang iyon dati. Kasi, wala naman akong sasaluhin, wala naman akong dapat kayanin. Ganon siya kalayo... ANG DRAMA! Sandali, sino ito ha... hmmmm.. parang si..

October 4, 2004 4:13 PM  
Blogger bobangPinay said...

ahhhh.... kasi ganito... kadalasan kasi me pagka boba ang tao pagdating sa emotions ^_^kunu''' ahihi... pero sige expect parin nang expect...kahit hanggang ngayun nag eexpect pa rin...hayyys'.. pag-ibig talaga o'o' parang love...

December 16, 2006 10:25 PM  

Post a Comment

<< Home