Saturday, October 09, 2004

Head CrAsh!

head crash: down the floor and back...




bakit ba yung mga taong gusto mong makapansin sayo ang hindi sayo pumapansin habang ang mga taong hindi mo inaasahang papansin sayo ang sya namang pilit na pumapansin?

bakit kaya sa dinami-dami ng taong gugustuhin mo sa mundo, eh dun ko pa sa isang yun mapapalapit at tila inaakit ka at bigla mo na lang malalaman na meron na pala syang minamahal na iba?

paano ka ba nagkakagusto sa taong di mo naman talaga kakilala?

bakit ba kahit pinipilit mo na hindi mahulog ang loob mo sa isang tao para mapabuti ang iyong sitwasyon eh lalo ka lang nahihirapan?

bakit ba nagkakaganito ako ngayon?

pambihira talaga. ganito nga siguro pag-tumatanda.

1 Comments:

Blogger lanseta said...

Yeah. para tayong pinaglalaruan ng baliw at ng ulan... (sinong di mapapasayaw ng ulaaaaaaaann....)

October 13, 2004 12:24 AM  

Post a Comment

<< Home