Wednesday, September 22, 2004

ang ice ng party

Acquaintance party namin kahapon.




hindi ko talaga gustong umatend dito dahil wala naman akong masyadong kakilala. *slaps forehead: kaya nga acquaintance party, eh!* ayoko rin pumunta kasi ang mahal. 300. 300?! sa isang ktv na tinawag na tio dante's na mainit at hindi naman bottomless ang inumin na ang presyo ay maikukumpara mo sa isang eat all you can pero hindi sya eat all you can.

ayun na nga. pumunta pa rin ako dahil sapilitan ang pagbabayad. oo ang pagbabayad. hindi ang pag-atend.

sa aking pinapasukang paaralan, kakaunti lang ang papulasyon ng kababaihan. mabibilang lang yun sa iyong mga daliri. kabilang ako sa kanila. doon sa school, tila na piit ako sa mundo na hindi ko dating ginagalawan. *yikes, bawal nga pala drama d2* ang mga tao ay higit na matanda na kesa sa akin. iba ang trip nila. mahilig manigarilyo, mahilig sa green, mahilig sa mura....yung mga ganung tipo. wala pa akong mga kaibigang ganun dati. kung meron man, hindi naman ganoong mahilig sa green, sa yosi at sa sobrang curses. na wi-wirdohan na ako sa mga tau-tao dun. kasi, parang hindi ko sila ma-reach. *baka ako ang hindi nila ma-reach, hindi kaya?*
o basta un.

balik tayo sa party.

pumunta na nga ako, kasabay ng isang kaklase. marami nang tao sa aming pagdating. nagsimula na. naglaro muna ng suck and blow. kasali ako. familiar ako dun sa laro kaya lang hindi ko alam yung technique sa pag suck and blow. NATALO ako agad. *haaay!* palibhasa mga kalaban ko mahilig sa yosi!

tas, singing contest na. sadyang out of tune ang mga kalahok maliban lang dun sa dalawang nag-tie. nanalo ang kaklase ko, yung bisaya. proud ako kasi kahit pinagtri-tripan sya sa kanyang pagkanta, nakakanta naman sya ng maayos.

kainan na.

naglaro pa ng isa. nakalimutan ko yung tawag sa laro pero eto: yung parang palulusutin mo yung ice cube sa damit ng lalaki tas ilalabas mo? yun yung laro. kasali ako ulit. at ang ka-partner ko, isang payat na lalaki na kamuka daw ni wa chi lei na naka-black na long hair. itago natin sya sa pangalang ice. si ice yung partner ko. dati ko na syang nakikita sa school pero never pa akong lumapit sa kanya. mabait daw yun ayon sa kanyang mga kaibigan. ewan ko lang.

nagsimula na ang laro. pinadaan ko ang yelo sa loob ng kanyang damit sa pamamagitan ng mga nanginginig-nginig at nanlalamig kong mga kamay. nalalaglag ang yelo kaya paulit-ulit kong ginawa ang proseso. nahihiya talaga ko kasi kaming dalwa lang ang hindi magkakilala. ewan ko kung magkasing-tangkad kami o malaki pa ko ng 1 inch sa kanya.

at eto. napansin kong may anggulo pala syang kaakit-akit. **oops, am i sensing some abnormalities here?** ano ba?! hindi naman ako na seduce. hindi sya gwapo. hindi talaga. una ko pa lang kita at nabanggit sa kin na muka daw syang lei, sabi ko hindi. pero muka syang tao. ngunit kahapon, iba. as in. dunno if it's something about his sex appeal. gosh!!! ano na ba nangyayari sa kin?

hindi ko sya classmate. isa syang soph at malapit nang gumraduate. but there must be something that drew him to me. or me to him. *sigh.* and i don't think i would want to find out.

basta, isang bagay: i think i like him.

teka. hindi ito love at first sight na head over heels. hindi ako ganun. basta *gusto* ko sya.

nga pala: si ice yung ka-tie ng classmate ko na bisaya sa singing...kinanta nya ay billy jean...nothing to be proud of pero kwela yung rendition nya....

1 Comments:

Blogger lanseta said...

uy rochela, napilitan lang talaga akong magsignup dahil di ka nagpapaanonymous comment. Anyway, FEU ka ba? I mean, nabanggit sa akin ng isang blp na dun ka magaaral... o sa sanbeda ka na? Eniwei, nabasa mo ba ung isa kong post LG 2??? Grabe broche, life is so good pare, especially kung may mga BG (at sa case ko eh sa katauhan ng mga TAKEN [take note, taken] na Varsity Players namin) Owell, one can't have it all... Hehe. Pokes you.. sino yan? hehe.

September 25, 2004 6:36 PM  

Post a Comment

<< Home