Sunday, November 07, 2004

Sportsfest Dramedy Part 2: Lagapak!


Ito na ang second part ng trilogy



The BIG day arrived. Araw ng sportsfest. Sa totoo lang, hindi ako looking forward sa activity. Masaya lang ako kasi alam kong dadating si rex. At gusto ko syang Makita. Eto isa pang confession: hindi ako nakatulog nung gabi ng nov 3 kakaisip sa kanya. Infatuated na ko nun! Sobra!

Nauna akong dumating sa kanya. Konting hintay tas yun. Dun na sya!

Habang naghihintay pala ako, tiningnan ko muna ang mga bicutan pips. Sad to say, alang gwapo! Liban na lang dun kay Stefan. Isa syang tisoy na matangkad. Kasi nga tisoy kaya gwapo. Pero di ako tinablan. Kay rex lang ang atensyon ko nung mga panahong iyon.

Dumating na nga si Rex! Nginitian ako! Parang heaven ang feeling! Tapos basketball game na. binigay na yung mga jerseys nila at yung mga t-shirts namin. Nirereklamo ni rex yung jersey napunta sa kanya kasi parang duster. Ang laki-laki! Buti na lang, meron pang extra. Nagpalit na sya tapos, pinatago nya sa classmate na katabi ko yung car keys nya! Grrrr! Oo, sa katabi ko mismo! Andun naman ako! Sa isip ko lang.

Yun. Nagpalit-palit sya ng jersey kasi hinahanap nya yung tamang tama sa kanya. At. AT pa-ulit-ulit syang bumabalik sa place namin para kunin ang car keys mula sa kaklase ko! Eto na: nung maglalaro na talaga, lumapit syang muli sa pwesto namin. INIABOT nya sa akin ang car keys nya! SA AKIN!!! OO! ALANG BIRO! AT HINDI KO RIN INAGAW YUN MULA SA CLASSMATE KO. SYA ANG NAG-ABOT! Sabi nya, patago muna… pati nitong isang jersey! With matching smiles pa! *haaay…talk about heaven on earth!*

Tinago ko na ang car keys sa bag ko. Nanood na ko ng game tapos, nag-cheer para sa kanya. (pati syempre dun sa mga team mates nya na classmate ko!) nung time-out, kinuha nya na ulit yung mga pinatago nya. At ayun. Tuloy ang laro. Pero hindi na sya nagbalik para muling ipatago ang mga susi.

Nagpatuloy ang game. Nakipag-sparring muna ko kapwa representative ko na babae sa badminton dahil mamayang hapon na ang laban naming. Hindi pa tapos ang basketball. Pag-upo ko muli dun sa bench, lumapit sa akin si myla upang ihatid ang isang di-kaaya-ayang balita: “ayun ata yung girlfriend ni rex,” sabi nya. “Yung naka-cap.”

Ouch.

And time stopped.



(To be concluded. Dahil sa kanina pa ako nag-co-computer, kelangan ko na ulit putulin dito. Abangan ang susunod na kabanata! )

Sportsfest Dramedy Part 1: Lakas Amats!

Ang Una sa Tatlong Kabanata




Matagal-tagal na rin diba?!
Oo, may bagong drama ang buhay ko kaya andito ako ngayon. Ukol ito sa maraming bagay na hindi ko na-i-tala sapagkat kapos ako sa oras.

Ang linggong ito ang aming sportsfest. Diba nga sapilitan kaya sa badminton ako sumali. October 30 yung unang praktis ko kasama ng ilan pang kaklase bilang paghahanda.

…fast forward natin…October 31, November 1, November 2, November 3. yun. Oops! Di pala! Nov 2! Tuesday…ang aming muling pagbabalik-iskwela. Wala naman talagang klase nun. Ang meron lang ay badminton eliminations kaya kelangan andun ako. Sa Olivarez ginanap ang nasabing eliminations. (kay laki na pala ng pinagbago ng aking dating paaralan! Mahigit limang taon din matapos ang huli kong pagdalaw dun!)

o, yun na nga.

Mali. November 3 nga talaga pala nangyari ang mga ito…(maiintindihan mo rin kung bakit mali-mali ako.)

Ayun. Dun sa Olivarez. Eliminations ng badminton. Hinihintay lang naming dumating si *REX (hindi tunay na pangalan! Mas-trip ko kasi yung meron akong sariling tawag…for exclusivity, ika nga!)

Si rex ay isang school mate. Kumukuha lamang sya ng short course pero hindi ko alam kung ano. Tulad ni ice, dati ko na syang nakikita. (alam mo na yung kasunod?)

Oo, unang tingin, cute talaga si rex. Chinito! Chinito?! (eto, alam mo na talaga yung kasunod…it’s rainin’ chinitos! Hallelujah!)

Cute talaga. Pero mas nakilatis ko sya pag dating nya.

Nagkaroon muna ng badminton 101 sapagkat halos lahat kami ay baguhan. Dahil sa limitado ang court, naupo muna ako at hinintay ang aking turn para maglaro. Inaliw ko na rin aking sarili. (habang hinihintay ang oras na mabalingan din ako ng atensyon ni rex)

Eto na. ako at si myla na ang maglalaro. Totoong eliminations na ito! (type din ni myla si rex. Actually, sya talaga ang nakapansin sa kanya.) naupo si rex duon sa inuupuan ng scorer. Nagbigay ng konting guidelines tapos go na!

Grabe!!! He’s turning me on!

Yun. Ako ang nanalo sa score na 7-11. ibig sabihin, ako ang representative. Pero di ibig sabihin na nanalo ako dahil andun si rex! (wala pang spark nung mga panahong yun!)

Tapos, eto na: bumaba si rex sa scorer’s seat. Pumunta sya at tumayo sa kabilang side ng net hawak ang kanyang badminton racket.


Rex: gusto mo laban tayo?
Ako: *jackpot!!!* Sige… *mejo, hiya effect*
Rex: dapat, i-take advantage natin ang height mo. *ngiti*
Ako: *hooo, sarap* (nod lang)


~~naglaro na kami~~
hindi ako maka-score. Ang galling nya. (hindi sa na-co-conscious ako. Magaling sya talaga. Isa pa hindi ko maintindihan yung scoring ng badminton nung ine-explain nya. Must’ve spaced out or something...)

tas non, lumapit sya sa akin. (dyahe kasi pagod na ako, tas pawis. Pawis din naman sya. Wish ko lang, hindi nya nahalata na nag-burn ang cheeks ko paglapit nya sa akin.)


rex: ganito yung tamang paghawak sa racket. (nagdemo ng tamang paghawak.)
ako: gumaya na lang.
rex: sige, gawin mo to pero wala munang back hand. Puro palo, palo muna.
Ako: oo (mahina. Almost a nod)


~naglaro ulit kami. Hindi pa rin ako maka-score. Malalim na ang aking hininga nun. Pero tuloy pa rin. (this may be the last, who knows?!)~

ako: (hirap sa itinuro nyang technique.) ang hirap!
rex: (nahalata nya.) sige, dun ka muna sa komportable ka. Pero wala munang backhand.
~~tuloy ang play~~

tas, lumapit muli sya.

Rex: subukan mong gamitin to…(tinutukoy ay racket nya.)
Ako: *nakipagpalit ako ng racket. Tiningnan ko ang tatak. Carlton!*

~~naglaro ulit kami~~

ako: ang gaan nga!! Ang sarap!! (si rex kalaro?!)

yun. Kelangan na naming tapusin. Pagod na pagod ako. Tumigil muna kami matapos ang ilang saglit.

Rex: laro pa tayo?
Ako: sige. (kahit pagod na pagod na!)

~~hala, sige, laro!~~

hanggang sa kelangan na naming tumigil dahil tapos na ang aming pag-renta. Lapit syang muli upang ibalik na ang aking racket.

Rex: yan yung gamit ko nung mag-second place kami sa _______ (hindi ko naintindihan. Kung bakit may kami, hindi ko rin alam. Ewan kung guni-guni o ano…)
Ako: *hangang reaksyon lang*
Rex: 80 grams lang yan!
Ako: kaya pala
Rex: magaan na rin naman pala itong raketa mo!

Tapos na ang laro. Sobrang pagod na ako. Lumayo na sya dahil kelangan na nyang magbihis. Ako, hindi pa makagalaw. Catching my breath. Ubos na rin ang baon kong tubig.

Imbis na patak-patak ang gawin upang makabayad ng 200 sa pagrenta sa court, ni-libre na lang kami ni rex. Narinig ko, may trabaho na sya. Sabi pa nila, mga 25 yrs old na sya. I think not! Pero ewan. Mature-looking eh.

Kami’y nagpasalamat at umalis na. hindi na ako nakapag-palit dahil sabi ng mga kasama ko, dun na lang daw sa chowking.

Pause muna.

Gusto kong i-describe si rex. Further elaboration:

Si rex ay cute. Hindi, gwapo. Nung una, wala lang. parang si ice na dinadaan-daanan ko lang. magkasing tangkad kami. (I presume.) contrast na lang para masaya:

Physically speaking:
Rex: gwapo. Oozing with sex appeal. macho. Lalaking lalaki ang tindig. Maputi. Chinito. Clean cut.
Ice: cute. Ma-appeal. payat (di naman tingting maganda rin yung build nya). Minsan hukot. Tan. Chinito. Long haired na straight na ala- Hua Zi Lei.

Not so physically speaking:
Rex: gentle. Mature. Hindi nag-mumura. Walang bisyo. Sobrang athletic.
Ice: makulit. Mejo bata pa. madaldal. Slight curses. Smokes. Drinks (presumed). Tsismis lang ang pagka-athletic.
Rex: drives a midnight-blue mitsubishi adventure everywhere.
Ice: commutes
Rex: with pierce on his left ear. No tattoo. (sa extremities, that is! Ewan ko lang sa ibang private parts! *Evil grin* I could only revel for the possibilities.)
Ice: none. Ganun rin ang kumento sa alang tato.
Rex: he’s around 22-25
Ice: just turned 19 last nov 1!

Yan na muna. Mahaba pa ang wento.

(To be concluded)
written last November 6, 2004.

Thursday, October 28, 2004

Sigh...buhay pa

haaay....
buhay pa ko. yun lang.

matagal din pala akong hindi nakapag add ng post. kasi nga wala namang masyadong drama o suspense o kahit na ano. ang alam ko lang, busy na ako ngayon.

mejo na-solve na pala ang isa sa aking problema. yung sa c prog. magpapagawa na lang ako sa isa kung kaklase na magaling. yun. mabuti na lang at napre-presyohan sya. hindi ko lang talaga kasi maintindihan yung guro ko. kaya heto, ala tuto.

local exam lang ang kinuha ko. 3 exam at isa na lang ang project. web pub. sa palagay ko kasi eh kaya ko naman gawin to.

haaay....

ngayun ay naghahanap ako ng mga web tags na pwede kong magamit sa aking gagawing web site.

wish me luck.

saka na ulit ang kwento. magulo pa ang mundo.

Monday, October 18, 2004

Nagugulo ako sa pagbabago ng ihip ng hangin

pambihira talaga....
matatapos na ang course na turbo c eh, wala pa rin ako natututunan. hindi naman sa walang wala..marami lang akong hindi ma-i-apply. nakakaasar kasi ang guro namin! hindi marunong! mabuti pa yung mga classmate ko galing AMA kesa sa kanya.GRRRRR!

eto pa: kahit anong pag-iwas ko sa cramming, patuloy pa rin akong bumabalik dun. *so much for my pagbabagong-buhay* natatambakan na ko ng projects..sa javascript at turbo c!ECHAS! hindi tuloy ako makapag-review sa cs113 at cs111.

sa ibang bagay naman:

mejo gumaganda ang buhay ko ngaun. nagbabago nga pala talaga ang ihip ng hangin. mejo napapalapit na ko sa mga katauhan dito. nakakachat ko na yung iba pag-gabi, nakasama ko na yung isa na manood ng sine, meron na rin akong nakaka-kwentuhan.

tanggap na ko dito!*sorta*

okay-okay na.

umuwi na nga pala yung pinsan ko sa bicol. babalik sya after 2 weeks. maiiba rin ang ihip ng hangin sa bahay.

isa pa: hindi ko na rin masyadong naiisip si ice. siguro nga natuwa lang ako sa kanya. haay! pero syempre andun pa rin yung spark pag nakikita ko sya.

talaga na nga palang nagbabago ang ihip ng hangin!

Saturday, October 09, 2004

Head CrAsh!

head crash: down the floor and back...




bakit ba yung mga taong gusto mong makapansin sayo ang hindi sayo pumapansin habang ang mga taong hindi mo inaasahang papansin sayo ang sya namang pilit na pumapansin?

bakit kaya sa dinami-dami ng taong gugustuhin mo sa mundo, eh dun ko pa sa isang yun mapapalapit at tila inaakit ka at bigla mo na lang malalaman na meron na pala syang minamahal na iba?

paano ka ba nagkakagusto sa taong di mo naman talaga kakilala?

bakit ba kahit pinipilit mo na hindi mahulog ang loob mo sa isang tao para mapabuti ang iyong sitwasyon eh lalo ka lang nahihirapan?

bakit ba nagkakaganito ako ngayon?

pambihira talaga. ganito nga siguro pag-tumatanda.

Wednesday, October 06, 2004

Ukol sa pagsali sa palakasan

ayokong magkalat. hindi ako atapang atao!!!


magkakaroon daw kami ng sportsfest. hahaha!!! sportsfest?! ang dami naman kasi namin noh! kalaban namin ang informatics bicutan. nandito sila kahapon. at may bg na player sila! isa syang tisoy na sobrang tangkad, na spokening dollar at ang macho! lol!

yun. pinaghahandaan na pala kami ng mga bicutan! 3 weeks na lang! kami wala pa. at ang masaklap, kami pa ang host! kahiya-hiya kung hindi kami makakaporma man lang sa kanila. Grrrrr!

eto: kelangan daw lahat may salihan.
mga choice: tennis, basketball, volleyball, darts, chess
sagot ko: none of the above.

ano bang gagawin ko? wala akong alam sa mga yan! takot ako sa bola, at magkakalat lang ako sa pag-che-chess! kalokohan ito.

siguro, water girl na lang ako. o kaya tagapunas ng pawis. o kaya naman at tagakuha ng bola.

gustuhin ko mang mag-participate, moral support lamang ang kaya kong ibigay.



na virus nga pla ang diskette ko dito sa school. naglalaman yaon ng mga excersises, quizzes at kung ano-ano pang related sa html.

tapos nanaman ako.(",)

Monday, October 04, 2004

iSa...ring,ring at isipan

"Love would fade like summer into fall..
All that I could see, a mystery,
It made no sense at all."


--Will of The Wind


sa palagay ko ay naging makabuluhan naman ang weekend ko. marami akong mga taong nakausap at nakabalitaan. halos lahat sila ay naghahanda sa finals at looking forward sa nalalapit na sem break...
ilan sa mga nakausap ko ay sina deivid,beth,monch,sarah e,justine,japet at may iSa pa. lahat naman sila ay masasaya sa kani-kanilang mga buhay buhay. natuwa naman ako kasi kahit papano, ako ang naisip nilang tawagan.
balik tayo dun sa isa. may kuneksyon kasi yung quote sa na nilagay ko sa unahan.

PAGPAPAKILALA...

Isa syang special friend...o kung special man ang tawag dun. basta special. as in mahalaga. natatangi. yun. naisipan nya akong tawagan matapos ang mahabang panahon. naging super close kaming dalawa hanggang sa na-develop na kami...*yuk,yuk, ako lang pala ang na-develop*

ewan ko ba.

kasi masyado syang private na tao. mejo pareho kami. makulit, masaya yun lang ang katangian nya. hindi rin sya gaanong gwapo, pero taong-tao. basta, tuwa ako sa kanya. at yun nga. hindi ko malaman kung mahalaga din ako o kaya may katiting na care sya para sa isang tulad ko. usually sa phone kami nag-uusap. madalas. hanggang sa hindi na sya tumatawag sa kakaibang kadahilanan.

tumawag nga sya nung sabado. masasabi kong na-miss ko nga talaga sya. matagal kaming nag-usap, marami syang kwento sa bago nyang buhay ngayon habang ako ay mataimtim na nakikinig sa kanyang mga kwento.*sigh*

nagbanggit sya ng ilang mga bagong kaibigan...mga girls...na malamang ay gusto nya. malamang kasi hindi ako makasiguro kung gusto nga nya. kasi nga, masyado syang private na tao. predictable on the outside pero may pagka-misteryoso sa mga bagay na maseselan. yun sya.

we said our goodbyes and then we hung up. ganung kasimple.

nag-isip-isip ako pagkatapos.

naalala ko yung noon na close nga kami. pero parang may kulang. masyado ba akong nag-expect? siguro. pero kasi napaka-ordinary ng treatment nya sa akin. naa-apreciate ko na ako yung kinukwentuhan nya ng mga bagay. yung tipong kaming dalawa lang yung may alam. pero pag ibang bagay na, tila nagbabago sya. magulo diba?

kasi minsan, intimate sya. bakit nya kinukuwento sa akin ang mga ganun? ha? hindi ko naman yun hiniling sa kanya. na maging open sya. pero pag ibang tao, ibang kaibigan, ibang girls...iba sya. hanggang friends lang siguro talaga. period.

naaalala ko lang, yung mga instances na magkasama kami. nagpapakita sya ng motibo. ayoko kasi nun na nag co-conclude agad pag walang concrete manifestations. pero kung ikaw ang observer, maiintindihan mo na kahit papano, meron.

o baka, ako lang yun.

maraming beses na nga akong na hurt kasi ganun yung situation. yung close kami pero pag anjan na yung ibang tao, balewala na naman ang lahat. masakit...huhuhu....masakit eh. masakit yung binabalewala lalo na kung malalim na yung pagtingin mo sa isang tao. kung mahalaga na sya sayo.

maraming beses nang ganito. at binalikan nila akong muli. palagi ko naman syang napapatawad. it's hard to stay mad at him. tapos, ganun na naman.

at sa kanyang mga kwento nung sabado, parang old friend na lang ang feeling ko. gusto ko ngang itanong sa kanya, kahit ba minsan hindi mo ako pinahalagahan??

hindi ako iiyak.

ganun nga siguro pag nagmamahal ka in silence. kahit gaano kasakit ang mga bagay, sasaluhin at yayakapin mo lang ang lahat. magtitiis at makakaya mo. ganun nga siguro.

"Love would fade like summer into fall"
kung noon naging mahalaga ako sa kanya, nagpapasalamat ako.

sana makita ko balang araw na naging importante din ako sa buhay nya dahil sya. hanggang ngayon...


mahalaga.


Friday, October 01, 2004

Angle of Depression

...ang analohiya sa kasalukuyang estado ng buhay ko.

wala talagang nangyayaring kapansin-pansin sa buhay ko nitong mga huling linggo. (sa totoo lang, nitong huling 2 buwan.) oo, ganung kalungkot. ang lahat ng drama ay nagaganap dito sa loob ng aking mumunting isipan. eto. hayaan mong ibahagi ko sayo ang ilang sa mga kaya ko pang ibahagi.

isang linggo na makalipas ang acquaintance party. nagsisisi na nga talaga ako sa pag-attend doon. hindi na dapat ako napalapit kay ice. kasi pinahihirapan nya ako...ewan ko ba. lakas amats toits! ang hirap. napagtanto ko na 3 beses ko lamang sya makikita sa loob ng isang linggo. at ang pinakapabigat doon, hindi ko pa sya nakakausap!at ano kung hindi ko sya makausap?

ang pinaka-conclusion: hindi kami kahit kailan magiging close.

ang hirap ng ganitong kalagayan. at ang masama, mahirap yung palagi na lamang sasagi sa kautakan mo na wala kang magagawa upang maibsan kahit man lamang kaunti ang iyong sitwasyon.

naiintindihan mo na ba?



sa ibang bagay naman...

hindi ako pumasok kahapon dahil wala naman kaming guro sa prog design. minabuti kong sumama sa ospital (kasama ang aking buong pamilya) dahil lahat kami ay may sakit. hindi ko pa alam kung anong nangyari sa uti ko kasi kahapon lang ako nagpa-urinalysis ulit.



nagalit sa akin ang tatay ko dahil sobra na daw akong madaldal. *oo na, i'm guilty as charged...* dalawang beses na kasi kaming nagpupuyat ng pinsan ko sa kakakwentuhan. tulog na ang buong bahay, kami, hagakhakan ng hagakhakan.

eto ang punto ko: lungkot na lungkot na kasi ako sa loob ng eskwelahan.

kasi nga dun sa school, ang mga tao ay kakaiba. lahat ng trip nila, hindi ko trip. ako lang ang bukod tanging...ganito. (ako pala ang kakaiba, noh??)

lungkot na lungkot na ako.

LUNGKOT NA LUNGKOT NA AKO!!!

akala kasi ng mga tao sa bahay, ang dami ko nang mga kaibigan dun. iilan lamang sa mga iyon ang sinasamahan ko. at higit na kaunti pa sa mga taong yaon ang nagiging kakwentuhan ko!!!

nami-miss ko na nung high school. kahit hindi ko laging kasama yung mga malalapit sa akin, nararamdaman ko kahit papaano na "this is where i belong".

eh dun??

enuf said.

pagnakuha ko ang diploma ko, gotta run na.
unless...hmmm...akin na lang muna yun.

sa pinsan ko, lahat naikwe-kwento ko. masaya syang kausap kasi magkasing edad lang kami. hindi nagre-repel ang aming mga palagay kasi congruent yung aming "maturity".

eh sa school??
it's either: the pananaw of me is not congruent to the pananaw of the nakararami or the pananaw of me is so alien to the pananaw of the nakararami.
gets mo?

haaaaaayyyyyyy......

speaking of the pinsan of me, marami nga pala akong natuklasan sa kanya. di sinasadya ito. hinahanap ko kasi yung english book na pinahiram ko sa kanya dahil kelangang kelangan ko na at wala pa sya sa bahay.
aking solusyon: nag-trespass ako sa kanyang kwarto.
natagpuan ko: ilang fhm magazines with erotic *sorta* covers. erotic nga ba ang mga fhm's? hindi pa kasi ako nakakapag-browse at hindi ko na tinangka.

lumabas na lamang ako agad ng kwarto nya. ang english book, hindi ko natagpuan.

eto pa ang alam ko: ang kanyang lihim ukol sa kanyang pamilya. *sana nga lang ay hindi sya mapadpad dito, yikes* hindi ito alam ng kahit na sino dahil ito ay lihim nya. nabasa ko sa isang sulat noong naghahanap ako ng gamit sa kwarto nya.

ang haba na ata nito.

balik tayo sa iskwelahan. cute si ice kanina. nakasuot sya ng itim na t-shirt at loose na faded blue jeans.

oo, mukang ordinary. pero...beauty is in the eye of the beholder, diba?

oo na cge. crush na nga ito. amina na kung amin.


sana ay hindi rin sya mapadpad dito. pagnangyari yun, nakooeewww! patay na. *cross my fingers*